Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gomez, De Luna kontra 2 bebot

0 152

MAPAPALABAN agad ang duo nina Pinoy cue artist Roberto Gomez at Jeffrey De Luna sa dalawang babaeng pambato ng Great Britain-B na sina Kelly Fisher at Allison Fisher sa 2021 World Cup of Pool.

Ilalarga ang nasabing event sa Stadium MK sa Milton Keynes, England sa Mayo 9 hanggang 14, kikilatisin nina Gomez at De Luna ang bangis nina Women’s World 9-ball champion Kelly at Hall of Famer Allison.

Misyon nina Gomez at De Luna na mapunta muli ang korona ng World Cup of Pool sa bakuran ng Pilipinas na huling nahawakan nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza noong 2013.

May 32 teams ang magbabanatan sa event na hahamigin ang magkakampeon ang tumataginting na $60,000.

Knockout ang format kung saan 9-ball ang laban, race to 7 sa unang dalawang rounds, race to 9 naman sa quarterfinals at semifinals habang sa championship round ay race to 11.

Samantala, ang Austrian pair nina Albin Ouschan at Mario He ang defending champions. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.