Una sa Balita

Goma nabaliw sa yakapan nina Juliana, Cole

By
0 5,334

Sobrang puring-puri ng mga taga-Bench ang Riverdale star na si Cole Sprouse nang magpunta ito sa bansa kamakailan. Si Cole ay endorser ng nasabing clothing brand.

Eh, sikat na sikat ngayon si Cole dahil siya ang gumaganap na Jughead sa series na Riverdale, kaya naman pati mga sikat na artista natin, nagkagulo sa kanya, huh!

Actually, parang nawala ang networks war dahil kay Cole. Both stars of ABS-CBN and GMA 7 kasi, um-attend ng pa-party ng Bench para kay Cole at parang nagkaisa silang lahat sa sobrang paghanga sa Hollywood actor, ‘noh?

Ang pinakanaaliw nga pala ako na picture na nakita ko na kasama si Cole ay ‘yung kay Juliana Gomez dahil habang nakayakap sila sa isa’t isa ay nasa background naman si Richard Gomez na nanlalaki ang mga mata sa pagre-react.

Of course, halata namang sinadya lang ‘yon ng actor/politician at kunwari lang ang kanyang pagre-react. Pero paano kaya kung ibang lalaki ‘yon at may romantic something with Juliana, hindi kaya maging totohanan ang pagre-react ni Richard?

Eh, balitang hindi pa pinapayagan ng mayor ng Ormoc City na maligawan si Juliana, huh! Tama ba, Representative Lucy Torres-Gomez?