Una sa Balita

Goma, Lucy lambingan nakakaihi sa kilig

By
0 692

Love month has come to an end pero hindi pa rin nagpatinag ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres sa paglalambingan at pagpapakilig sa mga fan! Sa Instagram kasi ni Lucy, pinost niya ang litrato kung saan halos langgamin na sa tamis ang ka-sweet-an nilang mag-asawa!

Ang senaryo kasi sa picture, magki-kiss silang dalawa as in malapit na ang labi sa isa’t isa! Bitter lang siguro ang hindi kiki­ligin!

Anyway, mas nakadagdag pa sa kilig factor ng post kung maiintindihan mo ang nakalagay sa caption. Japanese characters kasi ang nakalagay sa caption at kung ita-translate mo, aba posibleng maihi ka sa kilig! Ang ibig sabihin kasi ng nasa caption ay “I like Ramen but I like Richard more.”

Well, tignan niyo na lamang ang naturang post at nang malaman niyo kung gaano ka-cheesy ang mag-asawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More