Una sa Balita

Golf icon Tiger Woods arestado

0 6

Arestado ang golf legend na si Tiger Woods sa Florida Lunes ng umaga (oras sa Amerika) dahil sa hinihinalang nasa impluwensya ng alak o iligal na droga habang nagmamaneho, ayon sa mga awtoridad.

Si Woods, 41, na kasalukuyang nagpapagaling dahil sa back surgery ay naaresto ganap na alas-3:00 ng madaling-araw sa Palm Beach County Sheriff’s Office sa Jupiter, Florida.

Hindi pa malinaw kung sumailalim na sa test ang 14-time major tournament winner kung ito ay nasa impluwensya ng alak o droga. Gayundin hindi pa kumpirmado kung nag-iisa ito habang nagmamaneho.

Abante Hiring – IT dep
Ang dating world number one golfer na si Tiger Woods at nang maaresto ito (mugshot naka-inset) ng awtoridad sa Florida, U.S.A. dahil sa hinihinalang nasa impluwensya ng alak o iligal na droga. (Tiger Woods’ website/AP)

Ngunit ayon sa golf star ‘prescription meds’ ang dahilan umano ng pag-aresto sa kanya.

“I understand the severity of what I did and take full responsibility for my actions,” ayon kay Woods. “I want the public to know that alcohol was not involved. What happened was an unexpected reaction to prescribed medications.”

“I didn’t realise the mix of medications had affected me so strongly,” dagdag pa nito. “I would like to apologise with all my heart to my family, friends and fans. I expect more from myself too.”

Pinakawalan din si Woods alas-10:50 ng umaga.