Una sa Balita

Goldsmith vs Sepfourteen

0 250

KAHIT may kabigatan ang laban mananatiling susuporta ang mga tagahanga ni Goldsmith sa kanya.

Umabot sa 10 races ang ikakasa ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Muling makikilatis si Goldsmith pagsalang nito sa Condition Race Merged Category 09 na ilalarga sa unang karera.

Sasakyan ni class A jockey Rodeo Fernandez, puntirya ni Goldsmith na ikahon ang pangalawang sunod na panalo, pero tiyak na dadaan siya sa butas ng karayom.

Makakalaban ni Goldsmith si 2018 Presidential Gold Cup ruler Sepfourteen. Pero kakarga pa rin ang kayang panatiko sa kanya.

“Maganda ang itinakbo ni Goldsmith sa kanyang huling laban, kaya baka makaulit,” saad ni Joselito Ventura, mananaya sa off-track sa Maynila.

Ang ibang kalahok sa event na may distansyang 1,500 meter race ay sina Boxmeer, Messi, Magic Square, Batang Annala, Foreest Cover at kakampi ni Sepfourteen na si Lady Mischief.

Sa huling panalo ni Goldsmith, tinalo niya ang mga tigasing Soo­ner Time at Garantisado. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More