Una sa Balita

Golden State binugbog nina Harden, Westbrook

0 501

DUMAYO ang sugatang Golden State Warriors sa Houston para lang paka­inin ng alikabok ni James Harden at ng Rockets Miyerkoles ng gabi.

Tumabo si Harden ng 36 points at 13 assists, nagdagdag si Russell Westbrook ng 18 points, 8 rebounds at 6 assists para ihatid ang Houston sa 129-112 panalo.

Mukhang bumabalik na ang shooting­ touch ni Harden sa pagtikada ng 6 for 16 mula 3-point range. Sapul nang alatin sa 17 for 79 sa first six games, 13 for 32 na siya sa last two.

Umayuda pa si PJ Tucker ng 22 points at 11 rebounds, may 19 at 16 din si Clint Capela at 4 for 4 mula long range si Austin Rivers tungo sa 12 points.

Ang 28 points ni Alec Burks ang namuno sa Warriors. May 19 points si Eric Paschall at 15 markers, 11 boards kay Glenn Robinson III.

Injured sina Splash Brothers Stephen Curry (broken hand) at Klay Thompson (knee surgery), wala din sa Golden State sina D’Angelo Russell (sprained right ankle) at Draymond Green (left index finger).

Si center Kevon Looney ay inaasahang dalawang linggo pang mawawala dahil sa nerve condition. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy