Una sa Balita

Golden Pilipina yeah!

0 307

Kamusta kayo mga YANGster?

Araw na naman ng Linggo. Sigurado akong na-miss na ninyo ang ating kolum kaya naman naghanda ako  hindi lang isa, kundi dalawang atletang Pilipina (yeah! Hahaha) para maging paksa ng ating usapan.

To date, ito ang aking­ ikatlong column sa Abante. Masaya ako na maging isang tunay na tabloidista, salamat sa ating editor na si Ferdz Delos Santos sa pagbubukas ng pintuan para sa akin.

Tara simulan na natin ang pagbasa!

***

Naniniwala ba kayo sa linyang, “God has perfect timing?”

Itong mga kaibigan ko kasi na sina Annie Ramirez ng Philippine Jiu-jitsu Team at Josie Gabuco ng Philippine Women’s Boxing Team ay naniniwala sa linyang ito.

Weh? Di nga? Bakit? Paano?

Oh dami mo namang tanong Bes!

Umpisahan natin kay Ramirez.

Kamakailan lang nag­wagi ng gold medal sa Female Purple Belt 55-kilogram class ng Abu Dhabi World Professional Jiu-jitsu Championship 2019 sa United Arab Emirates ang 28-year old na si Ramirez.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sumali si Ramirez sa World Pro mga Bes!

Actually pang-apat na try ito ni Ramirez, kaya naman ‘di ba nakaka-proud? Hindi siya sumuko hanggang sa makamit ang gintong medalya na inaasam niya.

Kay Josie Gabuco naman.

Alam ninyo ba na limang taon naman ang kanyang hinintay bago dumating ang kanyang winning punch sa wo­men’s light flyweight ng ASBC Asian Boxing Confederation Championship sa Bangkok, Thailand.

Take note! May bonus pa siyang “Best Female Boxer” award sa Asian meet. Bongga!

Kaya naman mga YANGster, gaya ng ating Golden Pilipina (yeah) na sina Ramirez at Gabuco, try and try lang until you succeed!

Wala namang ma­wa­wala kung ilang beses ta­yong susubok, mada­dapa at magkakamali.

Pero for sure, at the end of the day, may mga mapupulot tayong lessons sa lahat ng mga failure na pagdadaanan­ natin. Life lessons, ganern!

Kaya mga YANGster, kung may mga pinagdadaanan kayo ngayon, gawin ninyong inspirasyon sina Annie at Josie na hindi nagsawa na maghintay ng God’s perfect timing para magtagumpay.

***

Siya nga pala mga Yangster, gusto ko lang pasalamatan ang aking­ sponsor na Jewels Clothing Company sa pagbibigay ng comfy clothes sa akin monthly. Thank you po Boss Patrick!

Huwag po kayong magsasawa. Hahaha!

Sa may mga suhestiyon para sa mga future topic natin, maaari ninyo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com or puwede ninyo rin po akong i-follow sa: Twitter: @ariannemallare o Instagram: @sagittarianne.

Huwag din ninyong kalimutang i-follow ang @AbanteNews sa Twitter para lagi kayong updated sa latest issues.

Abangan ninyo po ulit ang ating next column­ sa susunod na Linggo, salamat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy