Una sa Balita

Golden ng Cebu aminadong talunan sa ‘Tawag Ng Tanghalan’

0 896

abante-anything-goes-jun-lalinNaku, Dondon, ‘kaloka naman talaga ang ibang mga intrigero’t intrigera at talagang walang magawa dahil pati ang pagsali noon ni Golden Cañedo sa Tawag Ng Tanghalan ay ginagawang issue, huh!

May mga ginaga­wang big deal na talunan noon si Golden sa TNT ng ABS-CBN.

Pero ano ba naman kung talunan siya roon, eh, siya naman ang first grand clasher ng The Clash at ngayon ay sinasabing Sarah Geronimo ng Kapuso network, huh!

Mukhang ito naman talaga ang tadhana ni Golden, ang maging big star sa Siyete huh!

Eh, kung nanalo sana siya that time sa TNT baka naman naging talunan din at hindi nag-grand champion at hindi sana nakasali sa The Clash na in-host ni Regine Velasquez-Alcasid.

Baka wala sana siyang prize na one million pesos, house and lot mula sa mga Villar, at build-up contract sa Kapuso network, ‘noh?

Talunan man si Golden noon sa Dos, winner na winner naman siya ngayon sa Siyete, huh! At least, next week, may regular show na siya, ang Studio 7.

Saka feel ko, sobra siyang aala­gaan ng Kapuso network at gagawin nila ang lahat ng paraan para mapasikat si Golden.

At oo nga pala, hindi na rin naman big deal na bago ang The Clash ay sumali na muna siya sa TNT dahil sa interview naman niya sa entertainment press after siyang tawaging grand clasher sa The Clash ay inamin naman niya na hindi naman talaga ‘yon ang first time niya na pagsali sa isang singing contest sa TV, ‘noh?!

Saka nice and sweet naman si Golden, so, maging happy na lang tayo for her and i-good luck na lang natin siya sa pagsisimula ng kanyang showbiz career!

Snooky hindi na waldas sa pera

Mukhang forever na nga itong si Snooky Serna bilang isang Kapuso. Nag-stick na kasi siya sa GMA 7 at hindi katulad ng ibang mga artista na palipat-lipat sa Siyete at ABS-CBN.

Si Snooky, mukhang handang mag-wait ng next project kapag natapos na ang existing show niya. Ang maganda kay Snooky, gone are the days kasi na waldas siya.

Na napupunta lang sa kung saan-saan ang kanyang mga kinikita, kaya kapag walang regular show ay nagpa-panic na kaagad.

Ngayon, kahit medyo natagalan ang next regular show niya after ng The One That Got Away, relax pa rin si Snooky dahil nakapag-ipon na nga siya.

After nga pala ng TOTGA ay kasama si Snooky sa Pamilya Roces, ang bagong primetime series ng Siyete na magpa-pilot telecast na sa Monday.

Kapag taping ng Pamilya Roces, palaging katsikahan ni Snooky si Gloria Diaz na same manager niya, si Leo Dominguez.

Sabi ni Snooky, between takes sa ta­ping ng Pamilya Roces, marami silang napagkukuwentuhan ni Tita Glo, kaya naman hindi raw siya naiinip.

Maraming mga bagay raw siyang natututunan sa nanay ni Isabelle Daza-Semblat.

Siyanga pala, kapag wala raw siyang taping for Pamilya Roces, madalas na nakaka-bonding ni Snooky ang dalawa niyang anak na babae na both working na raw.

Parang barkada nga lang ni Snooky sina Samantha at Sachi at sobrang puri niya ang kabaitan ng kanyang mga anak.

 

Sanya, Derrick nakakaloka ang kangkangan

Ang Wild & Free nga ba nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio ang magbabalik ng sexy trend sa pelikula? Ang pelikulang ito nga raw ng Regal Entertainment ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang parang ST movies moong 90’s.

After kaya ng Wild & Free ay magsunuran na ang ibang film companies sa paggawa ng sexy movies?

Sa Wednesday na nga pala ang showing ng Wild & Free at maraming naniniwala na magtatagumpay ito sa takilya.

Marami na rin kasi ang exciting sa titillating scenes nina Sanya at Derrick.

Marami nga pala ang naloloka sa pangangalandakan ni Sanya na virgin pa siya kahit na kakaloka ang “kankangan” scenes nila ni Derrick sa Wild & Free, huh!

Parang magka-level daw sina Sanya at Ritz Azul dahil pareho nilang sinasabing certified virgin sila!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More