Una sa Balita

Golden Hook may sasalikwat

0 237

MAGTATAGISAN ng bilis ang 10 bagitong kabayo sa magaganap na Three-Year-Old & Above Mai­den Race na pasisibatin ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nakatutok ang mga liyamadista sa kalahok na si Golden Hook na rerendahan ni class A rider RO Niu Jr. sa event na may distansyang 1,400 metro.

“Sigurado ‘yung mga liyamadista kay Golden Hook lalagay, pero mga bata ‘yan at gabi ang labanan kaya posibleng may sumalikwat na dehado,” hayag ni Ernesto Mancenido, kareraista na dating nakatira malapit sa San Lazaro Hippodrome.

“Sa 4 ako Space Jam sakay ni CP Henson.”

Ang ibang kasali ay sina Sinag, Class Night, Janni Banni, Princess Felicia, Golden Sunrise, Texas Mighty Coast, Andrews Bet at Silken Flare.

Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa mga kabayong 3YO lang mula sa Philippine Ra­cing Commission (Philracom).

Makikilatis naman ang tikas ni Fantastic Max sa Condition Race Category 19 na ilalarga sa pang-anim na karera.

Mapapalaban si Fantastic Max kina Case Bell, Thunder Maxx, Fussion Drive, Gee’s Delight, Watermania, Navy Cut at Toscana. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More