Una sa Balita

Golden Hook, King Fox patok

0 237

MAGHAHARAP ang walong bagitong kabayo sa Three-Year-Old & Above Maiden Race ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Inaasahang papatok sa takilya sina Golden Hook at King Fox paglarga ng nasabing karera sa Race 2, may distansya itong 1,400 metro.

Tiyak na magandang laban ang masisilayan dahil may nakalaan itong P10,000 added prize sa unang tatawid sa meta, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Ang ibang kalahok ay sina Surplus Boy, Kenkenrarabell, Hot Legs, Sigurista, Princess Isabelle at Harvest.

Samantala, makikilatis naman ang tigasing imported horse na Viva Morena sa Condition race Merged Category 10 na pakakawalan sa Race 6. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More