Una sa Balita

Golden Cañedo pantapat ng GMA kay Sarah G

0 1,108

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, type ko si Golden Cañedo, may kakaiba siyang charm!

Marami nga ang natuwa nang siya ang mag-champion sa “The Clash”. Mukhang with the right packaging and promotions, kayang-kayang magkaroon ng GMA 7 ng sarili nilang Sarah Geronimo sa katauhan ni Golden, huh!

Nang katsikahan nga namin si Golden after na mai-announce ni Regine Velasquez-Alcasid na siya ang Top Clasher, naaliw ako sa very candid na pagsagot niya sa mga tanong sa kanya ng entertainment press.

Alam mo kasi na bawat sabihin niya ay ‘yung totoo lang at wala pa ­talagang ka-showbiz-an!

May kuwento nga pala si Golden na noong hindi pa alam ng nanay niya na buntis na ito sa kanya ay may isa raw 100-year-old na ale ang nagsabi rito na huwag ipalalaglag ng kanyang nanay ang nasa sinapupunan nito at ‘yon daw ang maghahatid sa kanila ng suwerte.

After no’n ay nalaman nga ng nanay niya na buntis pala ito at nga­yong nanalo nga si Golden sa “The Clash” at may one million pesos na siya, bahay mula sa kompanya ng pamilya ni Senator Cynthia Villlar plus management contract sa Kapuso network, ay nagsisimula na siyang magdala ng suwerte sa kanyang pamilya, huh!

Sa mga kuwento nga pala ni Golden, gusto talaga niyang sumikat sa showbiz para makatulong sa kanyang pamilya!

Abangan nga pala si Golden sa The Clash concert sa Sa­turday at Sunday at sa October 14 naman ay simula na rin ng primetime musical show ng Siyete, ang Studio 7, na isa si Golden sa mga mapapanood!

Regine ‘di tuloy sa LA concert?

 

Speaking of Regine, may nakapagtsika sa akin na hindi pa pala nakakaalis ng bansa ng grupo niya na papunta ng Los Angeles, California pra sa R3.0 concert tour.

Dapat noong Monday night ang alis nila, pero sabi ng nakausap ko, hindi pa luma­labas ang visa nila.

Hopefully, makaalis daw sila tonight dahil Friday na ang first show nila.

Sabi naman ng isang kasama sa group nila, sure na raw na makakaalis sila mamayang gabi.

 

Marian, Kapuso stars magpapaligaya sa California

 

Sa Friday naman daw ang alis ni Marian Rivera at ng ilang Kapuso stars na magsu-show somewhere in California.

Sa Saturday raw ay may big presscon sila roon.

Si Anna Puno ang namamahala ng event nila roon, kaya expected daw na magiging matagumpay ‘yon!

 

Rayver hindi kasama sa US vacation nina Janine, pamilya

 

Ang bongga naman ni Janine Gutierrez dahil dadalhin pala niya sa Amerika ang kanyang mga kapatid at tatay na si Ramon Christopher para roon sila mag-Christmas vacation.

Actually, sobrang bait talaga ni Janine sa kanyang pamilya dahil palagi niyang priority ang mga ito pati ang nanay niyang si Lotlot de Leon.

Ay, sayang nga pala at hindi sure ang nagkuwento sa akin kung kasama rin ba sa Christmas vacation ni Janine sa Amerika ang rumored-boyfriend niyang si Rayver Cruz.

If ever naman, mukhang hindi naman magkakaproblema kung sumama man sa kanila si Rayver dahil palagi naman itong nakakasama sa pagba-bonding ni Janine at ng pamilya ng dalaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy