Una sa Balita

Gold sa surfing malaki ang tsansa — Mabalot

0 250

HANDA nang makipagpaligsahan ang Philippine surfing team sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng bansa simula ngayong araw hanggang Disyembre 11.

May 60 surfer mula sa anim na kasa­ling bansa ang magbabanatan kung saan inaasahan ang nasa 4,000 spectators na manonood ng laban.

Simula pa noong Lunes nagsisida­tingan ang mga foreign delegate habang matagal nang nasa venue ang Philippine team para mag-ensayo.

“We have high hopes for the Phili­ppine team to bag the gold because we have the homecourt advantage,” saad ni Gino Mabalot.

“The waves here are suitable for surfing and are ready during this time of the year.”

Pakakawalan ang nasabing event mula December 2-10. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy