Una sa Balita

Gold sa Pinoy pole vaulter

By
0 81

Naihabol ni Francis Obiena ang unang gold ng Pilipinas matapos manaig sa boys’ pole vault event sa pagtatapos ng 12th Southeast Asian Youth Athletics Championships kahapon sa Ilagan Sports Complex, Ilagan, Isabela.

Nirehistro ni 17-year-old Obiena ang 4.00 meters sapat para sungkitin ang gold sa final event ng prestihiyosong eight-nation tourney na magsisilbing final tryouts para sa future members ng national team.

Napunta ang silver medal kay Singaporean Saciin Esan Maran matapos ilis­ta ang 3.80 meters habang kinalawit ni Filipino John Emmanuel Reyes ang bronze medal, (3.40 meters).

Ang nasabing event ay prinisenta ng City of Ilagan at inisponsoran ng ­Ayala Corporation kasama ang Milo, Philippine Sports Commission at International Amateur Athletics Federation bilang co-presentors habang ang Foton Pilipinas, UCPB Gen at Run Rio ay mga minor sponsors.

“This one is for the country,” saad ng Grade 12 student ng Chang Kai Sheik na ang amang si Edward ang may hawak ng pole vault record sa ­National Collegiate Athletic Association at isang decathlon bronze medalist sa SEA Games.

SEA Games silver ­medalist din ang tiyuhin ni Obiena.

Nakalikom ang Pili­pinas ng isang gold, siyam na silver at 15 bronze medals habang hawak pa rin ng Vietnam ang overall leader na may 13 gold at eight silver medals.

Nakopo ni last year’s Palarong Pambansa champion Jessel Lumapas ang silver medal sa girls’ 400-meter­ run, isinukbit ang bronze sa girls’ 200-meter run.

“Pangarap ko po talagang maging member ng national team pero mag-eensayo po muna akong mabuti para mas ma-improve ko pa ang performance ko,” ani Lumapas.

Nasilo ni John Carlo­ Yuzon ang bronze sa boys’ 200-meter run.

Nagtala ang Grade 10 student sa Paliparan National High School sa Cavite, Lumapas ng 58.94 seconds, gabuhok na abante ng silver medalist Thi Hong Han Le, (58.16) ng Vietnam na sinikwat ang gold medal sa girls’ 400-meter run.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy