Una sa Balita

Gold mine sa Siberia gumuho, 15 patay

0 373

PINAIIMBESTIGAHAN ni Russian President Vladimir Putin ang pagguho ng dam sa isang minahan ng ginto sa Siberia na ikinamatay ng 15 katao kamakalawa.

Nabatid rin sa ulat na inatasan na ng Russian chief executive ang pagtulong sa mga naapektuhan ng trahedya.

Maliban sa 15 nasawi sa pagguho ay may 13 iba pa ang umano’y nawawala.

Nangyari ang pagguho ng dam sa Seiba river sa rehiyon ng Krasnoyarsk kasabay ng malakas na buhos ng ulan at inanod ang mga minero na pansamantalang naninirahan sa maliliit na cabin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy