Una sa Balita

Gold medal lalanguyin nina Alkhadi, Oliva, PH Tanker

0 178

MALAKI ang tsansa ng Philippine swimming team na makalsuhan ang matagal nang kamalasan sa pagsilo ng gold medal sa 30th Southeast Asian Games.

Ibinandera ng Filipino tankers ang national colors sa nakaraang FINA World Championships, pangungunahan nina Nicole Oliva, Luke Gebbie, Remedy Rule at James Deiparine ang 27-man national squad para masikwat ang inaasam na medalyang ginto.

Sasabak din sina Olympians Jessie Khing Lacuna at Jasmine Alkhaldi at homegrown talents Jerald Jacinto, Rafael at Miguel Barreto.

Nabigo ang Pilipinas na mag-uwi ng ginto sapul nang magretiro si multiple gold-winner Miguel Molina matapos ang 2009 SEA Games sa Laos.

Sina former Palarong Pambansa standouts Xiandi Chua, Maurice Sacho Ilustre, Youth Olympian Roxanne Yu, Rosalee Santa Ana, Chloe Isleta at Thanya Dela Cruz ay pakay na ibalik ang PH tankers sa tuktok ng medal podium.

Swak din sa Team Pilipinas sina Alberto Batungbacal, Jonathan Cook, Jarod Hatch, Jean-Pierre Khouzam at Jaden Olson matapos nilang manaig sa kani-kanilang events sa katatapos na Philippine Swimming National Open at NCC.

Ang ibang mga miyembro na sasabak sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ay sina Rian Tirol, Desirae Mangaong, Jazlynn Pak, Joy Rodgers, Miranda Renner at Australian siblings Georgia at Thomas Peregrina. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy