Una sa Balita

Gokongwei nganga sa bulilyasong merger ng URC, Central Azucarera

By
0 328

Tanggap na ng mga Gokongwei at ng mga Roxas ang pagharang ng Phili­ppine Competition Commission sa merger ng sugar milling operations ng Universal Robina Corp. ng mga Gokongwei at ng Central Azucarera de Don Pedro ng mga Roxas sa Batangas.

Hindi pinahintulutan ng PCC ang merger ng sugar milling operations ng dalawa dahil magkakaroon ng monopoly sa lugar at magtataasan ang presyo dahil magiging kontroloado ng iisa lang ang negosyo.

“URC accepts the PCC decision and affirms its commitment and support to the efforts of government for a strong market economy,” sabi ng URC.

Dagdag ng kompanya, sinubukan­ naman nilang tugunan ang mga alinlangan ng PCC sa transaksyon at nag-alok pa ito ng alternatibo para mapawi ang mga ito ngunit tila hindi sapat ang mga commitment at safeguards.

Gayunpaman, sinabi ng URC na hindi naman maapektohan ang mga plano nila sa negosyo.

Nalungkot naman ang Roxas Holdings­ Inc. sa hindi pagpayag ng PCC dahil nawalan daw ng pagkakata­ong isulong ang industriya ng asukal sa Southern Luzon.

“Both URC and CADPI are currently extremely under-utilized because of the scarcity of sugar cane supply in the area, which to date, is in a continuously precipitous decline,” sabi ng Roxas Holdings.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy