Una sa Balita

Gokongwei hinarang sa pagbili ng Central Azucarera

0 431

HINARANG ng Philippine Competition Commission ang pagbili ng Universal Robina Corporation ng mga Gokongwei sa Central Azucarera Don Pedro Inc. at Roxas Holdings Inc. ng mga Roxas.

Sa desisyon ng komisyon noong Martes, pinagbabawal ng PCC ang paglamon ng URC ng mga Gokongwei sa kaisa-isa nitong kalaban sa negosyo ng sugarcane milling sa Southern Luzon.

Ayon sa PCC, magkakaroon ng monopolyo sa sugarcane milling sa Southern Luzon kapag hina­yaan ang URC na kunin ang CADPI at RHI. Ang monopolyo ay isang sitwasyon kung saan iisa lang ang nagdidikta ng presyo dahil siya lamang ang nasa merkado. Binabantayan at hinaharang ito ng PCC para hindi madehado ang mga consumer o ang mga kliyente nito.

Sa isang interview sa ANC kahapon, sinabi ni PCC Commissioner Johannes Benjamin Bernabe na hindi inapila ng URC o ng RHI ang desisyon ng komis­yon na magkakaroon ng monopolyo sakaling sila ay magsanib-puwersa.

“The prohibition prevents this deal from creating a monopoly in the relevant market that could harm the welfare of the sugar cane planters. It is the duty of the Commission to prevent the creation of monopolies when applying the merger control powers conferred on it by the Philippine Competition Act,” sabi ni PCC Chairman Arsenio M. Balisacan sa statement kahapon.

Nasa Balayan ang sugar mill ng URC ng mga Gokongwei samantalang ang mga milling facility naman ng RHI at CADPI ay nasa Nasugbu. Parehong nasa Batangas ang mga milling service nila subalit kapwa sila nagsisilbi sa mga sugar planter sa Cavite, Laguna at Quezon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy