Una sa Balita

‘Goin’ Bulilit’ nakatulong sa LGBTQ

0 355

Nitong Agosto 3 ay ipinalabas ang huling episode ng “Goin’ Bulilit”, na umere nang mahigit 14 taon.

Nabigyan ng pagkakataon ang Abante na makapanayam ang dala­wa sa mga dating mi­yembro nito, para ibahagi ang kanilang #Kwentong­Bulilit, at ‘yun ay sina Angel Sy at EJ Jallorina.

Kuwento ni Angel, 2005 nang sumali ito sa “Goin’ Bulilit”, at 2013 naman nang grumaduate siya rito. Sinabi ni Angel na ang kagandahan sa GB ay ginaganap ang kanilang shooting tuwing Sabado kaya naman walang nasasaga­saan na school activity o hindi naging abala sa pag-aaral nila ang pagi­ging miyembro ng prog­rama.

Ayon pa kay Angel, paborito niya ang mga out of town o out of the country ng programa nila. Natutunan niya na maging disiplinado pagdating sa acting, kung paano mag-focus.

Nang matapos naman siya sa “Goin Bulilit”, nagkaroon pa siya ng proyekto at iyon ay ang remake ng “Pa­ngako Sa’yo” kung saan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang bida. Pero kinalauna’y napagdesisyunan ni Angel na mas tutukan ang kanyang pag-aaral at masaya naman ito sa kanyang buhay bilang normal na estudyante ngayon.

Samantala, kuwento naman ni EJ, isang taon lamang siyang nagtagal sa programa, at kung matatandaan nga, siya ‘yung madalas gumaganap bilang Little Boy Abunda.

Ayon kay EJ, audition pa lang ay dama niya na ang excitement at nang ma­ging bahagi nga siya ng cast, first time, aniya, nitong mapabilang sa malaking grupo kung saan marami siyang nabuong memories.

Bukod pa riyan, nagustuhan din ni EJ na kapag exam sa school, nagbibigay ng konsideras­yon ang “Goin’ Bulilit” at suppor­tive sa lahat ng bagay ang produksyon nito.

Sinabi rin ni EJ na masaya siya para sa kanyang mga kasabayan sa GB na sobrang nag-boom ngayon sa industriya ng showbiz.

Malaki rin daw ang naitulong ng programa kay EJ bilang LGBTQ dahil para nga sa kanya, malaking plataporma ang “Goin’ Bulilit” para mabuo ang kanyang pagkatao bilang LGBTQ. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy