Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gohing pukpok sa swimming

0 76

MULA sa pagda-dive para habulin ang bola sa court ay sokpa na sa tunay na pagsisid si former volleybelle Melissa Gohing-Nacino nang maispatang pinasok na ang mundo ng swimming.

Ipinasilip kasi nito sa kanyang Instagram account na imbes na mag-running laps para sa volleyball ay laps na sa pool ang inatupag ng dating libero, na ngayon ay kabiyak na ng Kapuso actor na si Rocco Nacino.

“Laps Day! “caption ng former DLSU Lady Spiker kalakip ang kanyang litrato na naka-swimsuit kung saan naka-highlight ang kanyang alindog.

Sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung babalik pa sa mundo ng volleyball ang 29-anyos na balibolista matapos ma-cut sa Motolite team.

Huling lumaro ng formal volleyball game si Melissa noong 2019 para sa Creamline Cool Smashers kung saan nakuha nila ang titulo sa Open Conference. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.