Una sa Balita

GOCC head may bad record sa dating administrasyon

0 471

MAY bad record daw sa nagdaang administrasyon ang head ng isang government owned and controlled corporation (GOCC).

Sa natisod na info ni Mang Teban, dahil daw sa kabalbalan ng GOCC head noong nagtatrabaho pa ito sa dating administrasyon, nawalan ng pondo ang ahensiyang pinagtatrabahuan nito.

Halos isumpa daw ng dating kalihim ang kanyang opisyal dahil sa kabalbalan nito ay nadamay ang budget ng kanilang ahensiya.

Kaya nagtataka si ex-secretary dahil kahit may bad record na ang kanyang opisyal, nabigyan pa ito ng magandang puwesto bilang head ng isang GOCC sa kasalukuyang administrasyon.

Pintahan n’yo na. Ang GOCC head ay maliit na lalaki lang at may letrang D sa kanyang pangalan as in Dukot.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy