Una sa Balita

Gobyerno rin ang may sala sa krisis sa tubig

By
0 509

Maituturing na kasalanan din mismo ng Gobyerno kung bakit nakakaranas ngayon ng kakapusan sa suplay ng tubig ang ilang residente sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

sa aking interbyu kay Senator Richard Gordon na siyang chairman ng Philippine Red Cross (PRC) ay tumutulong na sila sa pagsusuplay ng tubig sa mga Hospital upang matiyak na hindi maapektuhan ang operasyon ng pagamutan.

Kilala ang PRC sa mabilis na pagresponde sa mga kalamidad at krisis sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pero ayon sa usapan namin ni Senator Gordon ay malinaw na nagkaroon ng pagkukulang ang ahensiya ng Gobyerno na nagsisilbing regulator .

Ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ang National Water Resources­ Board (NWRB) ang ahensiya ng gobyerno na nagsisilbing regulator.

Dapat ay noon pa man ay nakapagplano na ang ahensiya ng gobyenro dahil taon-taon ay lumal­aki ang population at obligasyon na ito ay pinaghahandaan.

Sabi nga ni Senator Gordon, Hindi na daw kailangan pa ang imbestigasyon sa water shortage at sa halip ay pagpaliwa­nagin, parusahan kung kinakailangan ang mga pinuno ng ahensiya.

Bilang regulator ay ang direktang nakakaalam ng sitwasyon ay ang MWSS At NWRB upang protektahan ang suplay ng tubig at higit sa lahat ay ang kapakanan ng publiko.

Pero sa ngayon ay marami ng mambabatas ang naghain ng resolusyon upang imbestigahan ang water shortage sa mga customer ng Manila Water.

Ang nakapagtataka ay iisa lang naman ang pinagkukunan ng tubig na mula sa Angat dam at Almeda dam ang Manila Water at ang Maynilad.

Magandang silipin din sa imbestigasyon kung pumalpak din at may pananagutan ang Manila Water at ang posibilidad na may maniobrang nangyari upang mabilis na maisulong ang proyekto ng China sa Kaliwa dam na siyang makakatulong sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy