Una sa Balita

Gobyerno, napuno na sa katigasan ng ulo ng NPA

By
0 8

Nasaid na ang pasensya ng pamahalaan sa tuloy-tuloy na opensiba ng New Peoples’ Army (NPA) sa kabila ng umiiral na peace talks.

Pormal nang naghain ng reklamo ang peace panel ng pamahalaan sa Norwegian government laban sa armed-wing ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay government peace panel chairman Silvestre Bello III, ibiginay nila sa pamahalaan ng Norway ang kopya ng reklamo dahil ito ang nagsisilbing facilitator ng peace talks sa pagitan ng GRP at NDFP.

Nanindigan si Bello na hindi palalampasin ang serye ng pag-atake ng NPA dahil at kailangang may maayos na paliwanag dito ang mga negosyador ng CPP-NPA.

Dahil sa serye ng mga pag-atake habang nagaganap ang peace talks, sinabi ni Bello na tila nawawalan na ng control ang pamunuan ng CPP at NDFP sa kanilang mga guerilla sa kanayunan.

Ipinag-utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang kilos ng NPA upang masukat kung totoong sincere ang CPP at NDFP sa pakikipag-usap sa pamahalaan.