Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gobyerno naalarma vs mga Chinese vessel sa Palawan

0 228

Umaasa ang Malacañang na aatras na mula sa Julian Felipe Reef sa Palawan ang natitirang 80 barko ng China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nababahala ang gobyerno sa maramihang pagparada ng Chinese vessel sa karagatang sakop ng Pilipinas kaya ipinarating agad ng gobyerno sa China ang saloobin sa isyu.

Naniniwala aniya ang Palasyo na maayos na mapag-uusapan ang isyu sa Chinese vessel dahil ang Pilipinas at China ay malapit na magkaibigan.

Ang pagparada ng 282 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na malapit sa Palawan ay kinondena ng Amerika, Australia, Japan at Canada. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.