Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gobert sangkaterba kapalit sa Wolves

0 67

TAPOS na ang samahan nina Rudy Gobert, Donovan Mitchell at Jordan Clarkson sa Utah. 

Iniulat ng ESPN na pinamigay ng Jazz si Gobert sa Minnesota para sa ilang players at future draft picks. 

Three-time Defensive Player of the Year si Gobert sa Utah. 

Apat na first-rounders mula 2023 ang nasakote ng Jazz, ang first round pick ng Timberwolves ngayong taon na si Walker Kessler, at sina Patrick Beverley at Malik Beasley.

“5 firsts …. Sheeeeeshhhh,” tweet ni Pelicans guard CJ McCollum.

Bahagi rin daw ng deal para makuha si Gobert si Jarred Vanderbilt. 

Pagkatapos nina slasher Mitchell at Clarkson, sa isa pang big man na si Karl-Anthony Towns naman itatambal si Gobert sa Wolves. (VE) 

Leave A Reply

Your email address will not be published.