Una sa Balita

Gobert, Mitchell, Jazz negatibo na sa virus

0 360

MAGALING na ang unang dalawang NBA player na nagpositibo sa coronavirus.

Nag-positive sina Utah Jazz center Rudy Gobert at guard Donovan Mitchell kapwa noong March 11 na naging dahilan para itigil ang mga natitirang laro ngayong season ng NBA.

Pero maayos na ang dalawa kasama ang ibang teammate at personnel kaya nabasbasan nang “cleared” ng Utah Department of Health.

“The UDOH has determined that all Jazz players and staff, including two who tested positive for the novel coronavirus, no longer pose a risk of infection to others,” hayag ni Aaron Falk sa UtahJazz.com.

Matapos mabatid ni Mitchell ang magandang balita, nag-post agad ito sa kanyang Twitter account ng praying hands emoji.

Pero patuloy pa rin nilang susundin ang social distancing at lilimitahan ang paglabas sa kanilang tahanan. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More