Una sa Balita

Gobernador ginawang bangko ng politiko

By
0 704

MISTULANG na­ging bangko umano ng isang politiko ang gobernador sa Luzon.

Natuklasan ni Mang Teban na kapag may biyahe itong politiko, dumadalaw ito sa bahay ng gobernador.

Ang kaibahan lang dito, walang ginagawang deposit ang politiko sa gobernador kundi puro withdrawal.

Eh mantakin niyo ba naman kasing bawat dalaw nito, kumukubra lang ito ng datung sa gobernador.

Mayaman daw kasi ang gobernador, hindi dahil sa negosyo, kundi dahil sa dami ng mga raket nito at hindi naman ito maramot lalo na sa mga sanggang dikit na kaal­yadong politiko.

Malakas din sa kanyang constituent ang gobernador dahil sa binubusog niya ito ng tulong, as in parang Robin Hood ang diskarte sa politika.

Pintahan niyo na. Ang gobernador na ginawang bangko ng politiko ay kilalang malakas sa administrasyon. May letrang L sa kanyang pangalan as in ‘lapitin’ ng gipit.