Una sa Balita

Goal ni Miyagi tinapatan ni Baña

By
0 265

Mga laro sa April 25:
(FEU-Diliman)    
9:00am — Ateneo vs UST (men’s)
1:30pm — DLSU vs NU (men’s)
3:30pm — AdU vs UE (men’s)

Tabla ang laban ng Ateneo at University of the Philippines 1-1 sa naganap na Katipunan derby ng UAAP Season 81 men’s football tournament noong Linggo sa FEU-Diliman pitch.

Kumana si King Miyagi ng goal sa fifth minute para sa Fighting Maroons bago sumagot si Rupert Baña mula sa assist ni Mark Nacional upang itabla ng Blue Eagles ang iskor sa 1-1. 

Kumana naman si Jermi Darapan sa 79th minute strike para ibigay ang puntos sa Far Eastern University at kalusin ang University of the East, 1-0.

Naagaw ng Tamaraws ang top spot sa Ateneo matapos lumikom ng 24 points laglag ang Eagles sa second place kapit ang 23 points.

Naka-upo naman ang Fighting Maroons sa tersero kalong ang 20 puntos.

Nasa pang-apat ang De La Salle hawak ang 19 pts. habang pang-lima ang University of Santo Tomas tangan ang 17 puntos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy