Una sa Balita

GMRC isyung panlipunan

0 555

Dalawampu’t limang taon na po ang nakakaraan nang iproklama ni Pangulong Ramos ang buwan ng Nobyembre bilang ‘Filipino Va­lues Month’ sa bisa ng Proklamasyon Blg. 479, s. 1994.

Bunsod po ito ng re­solusyong inihain sa Senado ni dating Senador Leticia Ramos-Shahani na humihikayat na pag-aralan ang mga kalakasan at kahinaan ng karakter ng Pilipino at bigyang-diin ang mga positibong pag-uugaling makakatulong sa pagbuo ng bansa.

Sa tulong ng mga iskolar mula sa UP at Ateneo ay nabuo po ang Senate Moral Reco­very Program (MRP) na kalauna’y naging prog­rama ng administrasyong Ramos.

Bukod sa pagdiriwang ng ‘Filipino Values Month’ tuwing Nobyembre, nagpalabas din ng Executive Order 319 noong Abril, 1996 para itaguyod ang MRP sa lahat ng opisina at ahensya ng pamahalaan at itinakdang gamitin ang 1% ng badyet para sa Human Resources Development Training sa values formation ng mga kawani ng gobyerno.

Malaki rin po ang impluwensya ng MRP sa kasalukuyang kurikulum sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) ng DepEd na ipinapatupad ngayon sa ilalim ng K-12 kurikulum kung saan nakasentro ang pagtuturo sa ‘core values’ ng mga Pilipino: Maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa.
Tunay nga po na ang mga pamantayan ng isang lipunan tungkol sa kagandahang asal at wastong pag-uugali ay nakaugat sa ubod ng ating mga pinapahalagahan bilang isang lipunan.
Isa po ito sa mga dahilan kung bakit isinusulong natin ang Senate Bill No. 860 na naglalayong ibalik ang pagtuturo ng GMRC o Good Manners and Right Conduct sa ating mga paaralan na naka-integrate o nakapaloob sa kasalukuyang Values Education framework ng DepEd o sa araling ESP.

Bagama’t binibigyang-diin po natin ang importansya ng mga ‘technical skills’ ng ating kabataan dahil magagamit nila ito sa trabaho, hindi naman po dapat ipagwalang-bahala ang values o ang mga tinatawag na ‘soft skills’ ng ating mga mag-aaral.

Sa Employers’ Choice Survey ng Jobstreet, nanguna ang mga gra­duates ng PUP sa lista­han ng mga pinakagustong i-hire ng mga employer dahil sa kanilang ‘positive work ethic’.

Sa larangan ng trabaho, makikita po ang ‘po­stive work ethic’ sa iba’t ibang paraan tulad ng panctuality o pagda­ting sa tamang oras, pagi­ging magiliw sa trabaho, pagiging magalang sa awtoridad, pagsunod sa dress code, at iba pa.
Kung muling ibabalik ang GMRC sa u­nang baytang pa lang sa paaralan, magkakaroon po ito ng positibong epekto sa pag-uugali ng ating mga graduate na magpapatakbo ng ating mga industriya at magiging mga lider ng ating bayan sa hinaharap.

Ngayong “Filipino Values Month”, nawa’y pagtuunan din po ng pansin ng mga professional organizations gayundin ng mga kumpanya ang pagpapaigting ng etiquette ng ating mga manggagawa dahil isa rin po ito sa pundasyon ng disente at matatag na trabaho.

Lalo pa sanang mapaigting ng mga inhinyero, doktor, guro, at iba pang mga propesyunal ang pagtalima sa kanilang “Code of Conduct” na naka-ugat din sa mga pinapahalagahan ng mga Pilipino tulad ng katapatan, pagiging makatarungan, at marangal.

Habang itinutulak po natin ang GMRC sa mga eskwelahan, nanawagan din po tayo sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na bigyang-diin ang values formation hindi lang po ngayong “Filipino Values Month” kundi sa lahat ng buwan at araw.

Tama po ang obserbasyon na “values are caught not taught” o mas natututunan ng mga bata ang kagandahang asal at wastong pag-uugali sa ipinapakita ng mga matatanda sa loob ng tahanan, sa mga lider sa komunidad, sa mga propeyunal at sa mga ehemplong napapanood nila sa telebisyon o internet.

Samakatuwid, ang kagandahang-asal at wastong pag-uugali ay isyung panlipunan at tayo pong lahat – paaralan, pamilya, pamahalaan, industriya, ay dapat magtulong-tulong nang sa gayon ay muli nating mapatingkad ang mga positibong karakter ng mga Pilipino sa pagbuo ng bansa at pagsusulong ng kaunlaran.

Isang makabuluhang pagdiriwang po ng “Filipino Values Month” sa inyong lahat.

Job Fair Schedule

PESO Taguig Job Fair
City Hall Auditorium
November 4

San Jose Del Monte Heights Job Fair
Brgy. Muzon, SJDM, Bulacan
November 5

PESO LGU Pulilan Job Fair
Robinsons Pulilan, Bulacan
November 6

senatorjoelvillanueva@yahoo.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy