Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

GMA wapakels? Maine sa TV5 hindi pa plantsado

0 172

Maingay na ang balita tungkol sa pagiging host ni Maine Mendoza ng bagong show ng TV5, ang PoPinoy.

Contest ito ng TV5 para sa mga Pinoy-Pop Band. Nauna pa ngang lumabas ang pangalan ni Sarah Geronimo na siyang magiging host, pero it turns out na sina Maine at Paolo Ballesteros daw talaga ang magsisilbing hosts ng show.

And if ever man, hindi pa siya ngayon, wala pa ngang pre-audition na nangyayari so baka safe to say na around June-July of this year pa ang airing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa part ni Maine, as of this presstime, hindi pa rin masasabing sure na sure na siya na ang host. Balita namin, may mga ilang bagay pa na kinokonsider at inaayos.

Surely, hindi ito about GMA-7 dahil hindi naman contract artist ng GMA-7 si Maine, so hindi niya kailangang magpaalam gumawa man siya sa TV5 (na pinagtatakhan din namin, bakit hindi na nga lang alukin ng Kapuso network si Maine for an exclusive network contract?)

So kung may inaayos pa, baka sa ilang detalye ng mismong programa o gagawin ni Maine sa PoPop. (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.