Una sa Balita

GMA namayagpag nu’ng 2018

0 589

abante-talbog-joe-barramedaTuloy-tuloy ang pamamayagpag ng GMA sa nationwide TV ratings buong taon kaya naman hindi ito natinag sa pagiging number one sa full year 2018 data mula sa Nielsen TV Audience Measurement.

Mula January hanggang December (base sa December 23 to 31 overnight data), nakapagtala ang GMA ng 40.8 percent total day people audience share sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), na nagpatumba sa 37.5 percent ng ABS-CBN.

Wagi pa rin sa buong 2018 ang Kapuso Network sa lahat ng time blocks sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 76 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

Sa Urban Luzon, mas malaki pa ang naging agwat ng GMA na may 45.9 percent total day people audience share samantalang 31.5 percent naman ang sa kabilang network.

Nakakuha naman ng 47.7 percent ang Siyete sa Mega Manila (base sa January hanggang December 22 official data) na malayo sa 28.7 percent ng Dos.

Noong kabuuan ng December 2018, naka-38 percent total day people audience share naman sa NUTAM ang GMA kumpara sa 34.8 percent ng ABS-CBN.

Samantala, mas maraming Kapuso show pa rin ang pumasok sa overall top programs ng NUTAM para sa 2018 kung saan ang award-winning magazine program na “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS) ang naghari bilang most watched GMA program for the year.

Sinundan naman ang KMJS ng “Daddy’s Gurl,” “The Clash,” “Kambal Karibal,” “Pepito Manaloto,” “Onanay,” “24 Oras,” “Victor Magtanggol,” “Magpakailanman,” at “Studio 7.”

Kabilang din dito ang “Super Ma’am,” “The Cure,” “Cain at Abel,” “Sherlock Jr.,” “Amazing Earth,” “Daig Kayo ng Lola Ko,” “Inday Will Always Love You,” at “Lip Sync Battle Philippines.”

Bilang paunang handog ng GMA Network, tatlong bagong primetime shows ang dapat abangan ng mga Kapuso viewer ngayong first quarter ng 2019. Matutung­hayan sa “Sahaya” ang inspiring na kuwento ng isang batang babaeng Badjao at pagbibidahan ito nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix; hatid naman ng GMA Public Affairs ang “TODA One I Love” na pagtatambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid; at hango sa tunay na kuwento ng magkapatid ang “Kara Mia” na bibigyang-buhay nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.