Una sa Balita

GMA itinangging nalugi dahil sa digital online

By
0 1,044

abante-i-know-better-jun-nardoNakakaalarma ang feature ng Entrepreneurcom.ph tungkol sa pagbagsak ng income ng GMA Network at ABS-CBN nitong unang anim na buwan ng 2018. Na ang sinasabing dahilan diumano ay ang mahinang pasok ng advertisements.

Ayon sa feature, “ABS-CBN Corp. suffered a greater decline between the two as it posted 41 percent drop in net income from Php 1.3 billion in the first half of 2017 to Php 741 million in the same period this year.”

May kinalaman ang pagbagsak ng kita ng networks dahil karamihan ngayon sa advertisers ay sa digital ­online na nagpapasok ng ads, dahil na rin ito ang gusto ng mga millennial.

“As for GMA Network, its net income only slid by 21 percent to Php 1.2 billion from Php 1.6 billion.”

Pero ayon kay Felipe Gozon, Chairman at CEO ng Kapuso Network, “In spite of challenging market conditions, GMA Network was still able to reach the one-­billion peso mark in terms of net income for the first half of 2018. We look forward to seeing the rest of the year with better results for our company.”

Mula naman sa nakalap naming impormasyon sa ilang insider sa marketing world, sinubukan daw ng ilang malalaking advertisers na mag-place ng ads sa online/digital shows.

Pero hindi raw effective ‘yon kaya nagbabalikan ang ad placements nila sa traditional media.

Sinubukan naming humingi pa ng dagdag na reaksyon mula sa Corporate Communications ng Kapuso Network tungkol dito. Eh dahil walang pasok kahapon at holiday pa sa Lunes, pinadalhan kami ng feed sa 2018 financial report ng network na kumita ng P1,232 billion sa first six months ng kasalukuyang taon.

“Despite an industry-wide reduction in advertising placements, GMA’s consolidated airtime revenues for the first half of 2018 still ended at P6.394 billion, which translates to a single digit slide of 7 percent versus last year.

“Meanwhile, the Network’s other revenue sources tipped at P855.9 million or 3 per cen higher than last year,” bahagi ng report.

“Further, GMA maintained its nationwide TV ratings dominance in the first half of 2018 with an average people audience share of 41.2 percent in NUTAM, ahead of ABS-CBN’s 38.5 percent based on data from Nielsen TV Audience Measurement.”

Sa totoo lang, wala nang puwedeng pumigil pa sa pagpasok sa digital format ng TV stations. Times have changed pero hangga’t mabagal pa ang internet sa ating bansa eh, patuloy pa ring manonood ang publiko sa traditional TV sets at tatangkilikin ang print medium!