Una sa Balita

GMA guilty rin sa paggamit ng Jadine Photo

0 1,250

Gumanti ang mga maka-ABS-CBN sa GMA, at biglang-bigla nga, sinabi nila na gumamit din daw ng photoshopped photos ang show ng GMA na “The Half Sisters” kung saan in-edit daw ang mga mukha nina James Reid at Nadine Lustre at pinalitan ng mga mukha ng bida ng nasabing serye.

Lumutang ang edited photos sa blogsite na Kapamilya Kingdom, kung saan isang netizen ang nagbahagi ng screenshots ng eksena ng “The Half Sisters” katabi ang larawan ng JaDine.

Dahil nga sa rebelasyong ito, hindi napigilan ng author ng blog na magalit dahil sa pambabatikos ng Kapuso fans, nga­yong nauna nang ginawa ng GMA ang isyung ibinabato sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

“Naku, todo-balita pa naman ang GMA nitong isang araw sa reaksyon kemerut ni Dingdong Dantes laban sa FPJAP. ‘Yun pala, mayroon din silang pag-e-edit na nalalaman,” sabi niya sa post.

Anyway, heto ang tanong ng mga kakampi ng ABS-CBN:

“So, sa mga Kapusong bumabatikos sa FPJ­AP, ibabalik po namin ang tanong sa inyo: wala po ba kayong budget para sa photoshoot? bakit kailangang mag-edit ng picture ng iba?”

Ano naman kaya ang sey ng JaDine fans dito? Susugod din kaya sila para tablahin ang mga paratang at isyung inumpisahan ng DongYan at Kapuso fans?

Abangan!