Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

GMA bagong kaibigan? Jericho ‘old friend’ na ang tawag sa Channel 2

0 52

May mga bulung-bulungan na isa sa mga lilipat sa GMA 7 ay si Jericho Rosales. May mga lumabas nga na photo na kita ang mata ng isang lalake na sabi-sabi ay malapit na raw maging Kapuso. At hula ng marami, mata ni Jericho ‘yon.

Pero nag-post nga si Jericho ng photo sa IG story niya na tower ng ABS-CBN, at nilagyan niya ng caption na, “Hello, old friend. #abscbn.”

At sari-saring kahulugan, hula, ispekulasyon na ang naglabasan.

Chika ng iba, bumalik daw si Jericho sa ABS-CBN, at malayo nitong iwanan ang istasyon na nagpasikat sa kanya.

Pero, may hirit naman ang iba na kaya raw ‘old friend’ na ang tawag ni Jericho sa Channel 2 ay dahil may bago na itong friend, ang GMA 7 nga.

Oo nga naman, bakit ‘old friend’ ang tawag ni Echo sa Dos? Hindi ba puwedeng ‘forever friend’ ang ginamit niyang term, para hindi nabulabog ang isip ng mga fan?

Anyway, sa ngayon, nagmamakaawa, nakikiusap ang mga Kapamilya fan na huwag iwanan ni Jericho ang Dos. Na mag-stay lang ito sa Channel 2 tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Wag kang lilipat idol, please lang.”

“Lahat ng palabas mo na magaganda pinanood ko dahil nasa Channel 2 ka. Kaya wag kang umalis please!”

Well, abang-abang na lang tayong lahat! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.