Una sa Balita

GMA ayaw tantanan ng galit sa nangyari kay Manoy

0 843

abante-talbog-joe-barramedaKahit anong paliwanag o statement ng GMA Network ang ibigay nila dahil sa nangyari sa award winning actor na si Eddie Garcia ay marami pa rin ang sumasawsaw sa isyu at pilit na sinisisi pa rin ang Kapuso Network sa nangyari sa beteranong aktor.

Puro sila dada eh wala naman sila sa pinangyarihan ng aksidente. Ilan na nga sa mga kasamahang artista na nakasaksi mismo sa nangyari ay nagbigay na ng kanilang statement.

Nakatutok naman ang staff from top m­anagement ng GMA sa pag-aasikaso sa hospital na kinalalagyan ng aktor. Wala naman may gusto sa nangyari at aksidente nga.

Imbes na magsisihan ay ipagdasal na lang natin si Eddie Garcia. Kung tutuusin sa edad niya ay hindi na dapat nagtatrabaho si Manoy pero knowing him, he love acting at hangga’t kaya niya ay aarte kahit payuhan na mag-retire na.

May mga pangyayari na hindi natin kontrolado at ang nasa Itaas ang nakakaalam ng kapalaran natin. Sabi nga ng iba, everything happens for a reason. Ang dakilang lumikha lamang ang makakasagot niyan sa atin.

Sabi nga ng isang senior journalist, may kanya-kanya tayong petsa para humarap sa dakilang lumikha. Kunsabagay walang edad na pinipili ang pagharap sa Diyos.

Ako nga 2012 pa na-diagnose ang cancer ko at anytime puwede na akong mawala. Nasa kamay nga Panginoon ang buhay ko.

Dahil nga sa nangyari ay masi-shelve muna ang teleser-yeng pinag-ugatan ng aksidente. Damay lahat ang mga artista at production nito.

Ang g­anda pa naman ng c­asting. Kung p­uwede lang magsalita si Eddie Garcia ay siguradong hindi ‘yan papayag na wag ituloy ang nasabing project.

Mylene Dizon wawasakin ni Ana Roces

Lalong dumarami ang nahu-hook sa kwento ng epic series na Sahaya. At ang mga Kapuso v­iewers, ha-ngang-hanga sa ganda ng takbo ng istorya nito.

Mahusay raw ang pagka-kagawa ng GMA sa istorya nito dahil tama lang ang pacing at napakaraming twist.

Tutok na tutok nga sila sa bawat episode lalo na ngayon na naguguluhan si Sahaya (Bianca Umali) kung sino ang mas matimbang sa puso niya, si Ahmad (Miguel Tanfelix) o si Jordan (Migo Ade-cer)?

Hati rin ang mga netizen dahil mayroong kampi kay Ahmad at mayroon ding boto kay Jordan. Ano nga kaya ang magiging desisyon ni Sahaya?

Samantala, lahat ay gagawin ni Irene (Ana Roces) para masira ang buhay nina Manisan (Mylene Dizon) at Sahaya. Paano mapoprotektahan ni Harold (Zoren Legaspi) sina Manisan at Sahaya laban kay Irene? Alamin ‘yan gabi-gabi sa Sahaya!

Jillian Ward bawal nang magpa-cute

First mature role ni Jillian Ward ang mapapanood ng kanyang mga fan sa upcoming series na Prima Donnas. Ayon kay Jillian, excited na siya sa kanyang karakter bilang si Donna Marie, ang panganay sa tatlong Donnas.

Makakasama niya rito sina Althea Ablan at Sofia Pablo bilang sina Donna Belle at Donna Lyn.

“Ako ‘yung pinaka-ate, ‘yung pinaka-responsable. And na-e-excite po ako kasi gusto nila, bagong Jillian Ward na raw po ‘yung makikita nila,” saad ni Jillian.

Nasubaybayan on TV ang pagiging cute at bibong child star ni Jillian kaya naman excited ang Kapuso viewers at fans sa kanyang new show kung saan mapapanood na siya bilang isang ganap na teen star. Level up na talaga si Jillian!

Makakasama rin nina Jillian, Althea, at Sofia sa Prima Donnas sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy