Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

GMA at Regal, maraming nilulutong proyekto!

0 272

Opisyal nang nagkapirmahan kahapon ang dalawa sa mga bigating pangalan sa TV at film industry – ang GMA Network at Regal Entertainment – para sa mga pasabog na proyektong handog sa loyal Kapuso viewers.

Bukod sa mga bossing ng GMA at Regal, naging star-studded din ang signing ceremony na dinaluhan ng ilang Kapuso stars na bibida sa unang tatlong episodes ng tinuturing na biggest telemovie collaboration ng taon na ‘Regal Studio Presents’! Super excited sina Sanya Lopez, Ken Chan, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Sofia Pablo, Allen Ansay, at Sandro Muhlach na mapabilang sa kaabang-abang na partnership na ito na magsisimula na ngayong Sabado, September 11.

Kasama rin sa mga dapat na abangan ng viewers ang pag-ere ng hit BL series na ‘Ben x Jim’ sa digital channel na Heart of Asia sa darating na September 26! Balita pa namin, may mga pelikulang tatak-Regal ang mapapanood din sa iba’t ibang channels ng GMA.

Siguradong all-out entertainment ang naghihintay sa Filipino audience ngayong nagsanib-puwersa na ang GMA at Regal. Tutok lang, mga Kapuso! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.