Una sa Balita

GMA-7 sumuko sa mataas na presyo ni Pacquiao

0 1,670

abante-talbog-joe-barramedaMarami ang nagtatanong kung bakit hindi na sa GMA ite-telecast ang upcoming laban ni Sen. Manny Pacquiao na alam ng lahat ay Kapuso talent.

Ayon sa nakuha kong impormasyon ay in-offer daw naman sa GMA ang upcoming event pero masyado raw mataas ang hinihingi nila na sa tingin ng network ay hindi kakayaning mabawi.

Kaya ang ABS-CBN na lang ang kumagat sa offer. Na sa tingin nila ay mababawi nila at hindi sila malu-lugi.

Si Manny ay walang network contract sa GMA ngayon at bale program contract lang siya meron kaya tuloy-tuloy lang ang “Stories For The Soul” na napapanood natin tuwing Linggo ng hapon.

Well, mapatumba kaya ni Pacman si Keith Thurman? ‘Yan ang dapat nating abangan!

Ruru, Jasmine nangangamoy relasyon

Maraming fans ni Ruru Madrid ang nasasabik na mapanood muli siya sa isang teleserye pero up to now ay wala pa k­aming naririnig na proyekto para sa kanya. Although may weekly “Sunday PinaSaya” siya ay marami ang nagnanais na mapanood siya muli sa isang araw-araw na teleserye.

Gayunpaman ay timing na abala rin siya sa dalawang movie project na ngayon ay kinukunan. Halos tapos na ang Go La Union at gumigiling na rin ang camera para sa CaraXJagger na prodyus ng APT Entertainment.

Dito sa CaraXJagger ay mukhang may chemistry sila ni Jasmine Curtis Smith na so far ay walang aberya. Maganda ang wor-king relationship ng dalawa na ayon sa mga kasama sa produksyon ay madalas daw nagkukuwentuhan ang mga ito in between takes.

Hindi ko na alam kung ano at saan patutungo ang relasyon ng dalawa. Kasi maski sa IG account nila ay nagsasagutan sila. Abangan na lang natin kung may mabuo. Knowing Ruru, matinik ‘yan. Talbog.

Andrea classy ang paghuhubad

May go signal ng mga magulang ni Andrea Torres ang lahat ng kanyang mga daring na eksena sa “The Better Woman”. Imbes na mailang silang panuorin ang ilang sexy scenes ng anak sa TV, proud sila sa challenging role ng anak sa soap.

Kaya naman inspired si Andrea na pagbutihin pa ang kanyang pag-arte.
“At saka ang bilin sa akin always be classy, which is ganu’n naman ‘yung binibigay rin ng GMA lagi sa akin. I feel naman na inaalagaan nila ako.”

Marami pang dapat abangan na intense na mga eksena ang viewers sa hottest primetime series sa bansa ngayon! Mapapanuod ang “The Better Woman” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Sahaya.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy