Una sa Balita

GMA-7 nilait sa balik TV ni Bong

0 967

Dahil lang sa ‘Oh God!’ na reaksiyon ni Janine Gutierrez, biglang nagpupuyos na sa galit ang manager na si Lolit Solis.

Nagsimula nga ang kuwento sa pag-anunsiyo ng GMA-7 na magbabalik-teleserye na nga si Sen. Bong Revilla, Jr. Na ang “Agimat Ng Agila” nga raw ang gagawin nito.

Hindi nga natuloy ang dapat sana ay paggi-guest nito sa teleserye ni Alden Richards, ang “The Gift”, dahil sa negatibong reaksiyon ng mga netizen.

At heto nga, kaka-announce pa lang ng GMA sa bagong project ni Bong, kontrobersiyal na agad.

“Handa na ba kayong muling mapanood sa telebisyon si Senator Bong Revilla? Abangan siya ngayong 2020 sa #AgimatNgAgila!” ang mababasa sa Twitter account ng GMA-7.

Na kung saan nga ay biglang nag-comment si Janine na, “Oh God!’

Na sinundan pa niya na, “Di ko kaya besh!” bilang sagot sa ‘hahahahaha’ ng isa niyang kaibigan.

Marami nga ang sumuporta kay Janine sa isyung ito. Na sa totoo lang, hindi mo nga masabi pa kung negative ba talaga ang komento niyang ‘yon sa pagbabalik ni Bong, o positibo pa rin, na parang nasasabik din siyang makita ang senador na umaarte ulit.

Pero para sa mas maraming fan, isang katapangan ang ginawang ito ni Janine, na dapat hangaan. At sinisi, kinainisan nila ang GMA dahil sa hakbang nito para sa acting career ni Bong.

Heto nga ang sunod-sunod na mensahe nila:

@josephinecance3: “I like you now for this. You just gain an admirer. I admire artist who are brave enough to voice out what they feel even if its against authority.”

@lyra_starling02: “I feel you @janinegutierrez naHB ako. Maraming artists sa @gmanetwork @ArtistCenter na mas deserving magkaroon ng show kesa sa magnanakaw na yan.”

@MarieRi49424211: “Yes. oh, dear, merciful God. my mother watches abscbn ts’ but turns to @GMA_PA for news&docus. when she saw the plug, i think @gmanetwork lost her for good. may mga apo daw siyang mga bata that she wants to protect.”

@jcplusa: “I stan atapang ababae.”

Pero siyempre, nakatikim ng malupit na hagupit si Janine mula kay Lolit Solis, na manager nga ni Bong. Heto nga ang post niya sa Instagram.

“Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya Salve. The nerve na mag-negative comment siya sa TV comeback ni Bong Revilla. How can she be so cruel for a second chance to a co actor like Bong without even thinking if not for the goodness of people she won’t be where she is today. Alam naman niya siguro ang history ng nanay niyang si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, pinalaki at inalagaan siya, at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz. Dapat sa mga pagkakataon gusto niya magbigay opinyon, nandun ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan ng lolo niyang si Christopher de Leon si Bong Revilla.

“I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip niya more than anyone else, siya dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay chance sa isang tao na gusto bumalik sa pinanggalingan niyang mundo. Buti na lang isa lang talent ng GMA si Janine Gutierrez, just imagine kung siya ang may-ari ng network, hindi pala niya bibigyan ng trabaho si Bong Revilla. Hindi siya papayag na ampunin ang isang gusto magkarun ng trabaho. Buti na lang at hindi siya naging box office queen na sana makatulong para sa career ni Bong, dahil wala pa naman ako narinig na naging blockbuster movie niya, or tv show na naging sobra ang taas ng rating, kaya hindi din siya makakatulong sa career ni Bong Revilla.

“A piece of advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo. Love thy neighbor, dahil kundi sa kanila hindi ka naging Janine Gutierrez. Sayang, love pa naman kita, now takot na ako dahil baka maging judgemental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance. Hoping you will do well, kumita at mag rate mga ginagawa mong project.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More