Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

GMA 7 hindi interesado: TV5 handang ampunin ang mga Kapamilya star

0 6,093

Suspendido na nga raw ang kontrata ng mga Kapamilya star ngayon.

Dahil sa sitwasyon ng ABS-CBN 2 ngayon, malabo nga nilang masuwelduhan ang mga artista nila, at wala ngang pumapasok na pera sa kumpanya.

Pinayagan na nga raw sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Bea Alonzo, Angelica Panganiban at iba pa na tumanggap ng trabaho sa ibang TV istasyon.

SM food to go Banner Ad

May balita na ang bagong management ng TV5 na OneTV na ngayon, ay interesado na kunin ang serbisyo ng ilang displaced artists ng ABS-CBN 2. May mga plano raw silang mag-produce ng ilang teleserye.

Maraming nakakontrata na artista ang ABS-CBN 2, kasama na rito ang mga baguhan na nasa management ng Star Magic.

Pero ang GMA 7, tila hindi interesado na ampunin ang ilang artista na mula sa Dos dahil sila man ay marami ring artista may kontrata sa network at priority nila ang mga ito na bigyan ng trabaho pagkatapos ng tatlong buwang quarantine.

Well, abangan na lang natin kung sino-sino ang mga artistang mapapanood natin sa OneTV sa ikatlong linggo ng Hulyo. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.