Una sa Balita

GMA-7 ‘di naging pabaya, laging may medic sa set

0 557

abante-i-know-better-jun-nardoWagas na wagas ang paninisi sa GMA Network ng mga ordinaryong citizen pati mga netizen sa aksidenteng nangyari kay Eddie Garcia sa t­aping ng ginagawang Kapuso series.

 

 

Pinagbabasehan lang naman nila ang balita sa TV at ‘yung video na lumabas sa social media. ‘Yung ibang mga netizen nga, “pinatay” nila ang multi-awarded ve- teran actor.

 


Maling-mali naman kasi ang akusasyon sa Kapuso network na walang naka-stand by na m­edical teamsa t­aping. N­­ag-labasang bagong statement ang n­etwork nu’ng Lunes nang gabi upang ipaalam na kapag may malalaking action scenes na kukunan, always present ang medics sa set.

 


“It has been the network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs,” bahagi ng bagong statement.

 


Never naging pabaya ang GMA sa mga taong involved sa taping ng isang programa. Inaalala rin nila ang kapakanan ng lahat at hindi pansariling interests lamang.

 


Sino ba ang may gustong magkaroon ng aksidente sa set lalo na sa tulad ni Tito Eddie na dedicated sa work niya?

 


So huwag sisihin ang GMA dahil never nagpabaya ang lahat ng involved sa production sa kapaka-nan ng bawat nagtatrabaho sa isang series.
Ipagdasal na lang ang mabilisang paggaling ni Tito Eddie kung concerned kayo sa kanya, huh!

 

 


Cherie Gil may ‘banta’ sa mga ‘Starstruck’ hopeful

 

 

Hindi pabida ang statement ni Cherie Gil na huwag siyang tawaging ‘Tita’ ng “StarStruck” hopefuls o kahit sinumang baguhang artista ‘pag nakikita siya.

 


Gusto niyang i-reserve ang salita sa kanyang mga pamangkin na kadugo niyang talaga.

 


“Seryosog-seryoso ako roon. Actually, hindi kasama sa script ‘yon. Naging running gag ko sa taping.

 


“Sinali ko ‘yon sa script ko. Nanggaling ‘yon sa post ko sa Facebook. Mainit ang ulo ko that day. ‘Pag ganoon that means, I mean it. I’m inspired. It became viral. It became a social issue!

 


“Para sa akin, konti lang ang puwedeng tumawag sa akin ng Tita. ‘Yung mga kilala ko! So I uphold the term Tita for those who really deserve like nephews, nieces and kids that I grow up, family friends!” diin ni Cherie sa mediacon ng artista search na magsisimula ngayong June 15, Saturday after “Daddy’s Gurl” at every Sunday after “Daig Kayo ng Lola Ko.”

 


Kasama ni Cherie sa StarStruck Council sina Heart Evangelista at Jose Manalo.



Natuyo ang mga lalamunan ng mga tao nang bumulaga ang hubad na Enchong Dee sa fashion event ng produktong ineendorso. Kasi naman, ang ganda na ng porma ng katawan at naghuhumiyaw rin ang kanyang bukol, huh!

 


Enchong
naghuhumiyaw
ang bukol

“Batak,” komento ni Rodjun Cruz.
“Ay iba din,” saad naman ni Iza Calzado.
Sa tanong kung sino siya sa porma niya, tugon ng aktor:
“Si Supergutom. Ang bagong superhero na aabangan!”
Palibahasa swimmer kaya alaga ni Enchong ang magandang porma ng katawan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy