Una sa Balita

GM So ng Estados Unidos nalaos na

By
0 1,131

Tapos na ang kampanya ni chess super grandmaster Wesley So ng Estados Unidos sa FIDE Berlin Candidates Matches 2018 sa Berlin, Germany.

Resulta – panis ang misyon ng 24-anyos na si So na umusad sa men’s World Chess Championship laban kay reigning champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Nakalikom ang tubong Imus, Cavite pero piniling USA na ang dalhin sa kanyang mga kampanya, ng anim na puntos sa eight-player double round robin, semplang siya sa pampito.

Tabla ang huling laro ni So kay Armenian GM Levon Aronian matapos ang 17 moves ng English opening para makaanim na puntos lang sa 14 games. Nasa ilalim ng standings si Aronian kasama ang 4.5 pts.

Naghari si US GM Fabiano Caruana na nakapagtala ng siyam na puntos matapos manaig kay GM Alexander Grischuk ng Russia at itakda ang pakikipagtuos kay Carlsen sa Nobyembre.