Una sa Balita

GM So inupuan ang top spot

By
super grandmaster Wesley So
0 976

SUMULONG ng dalawang sunod na panalo at isang tabla si super grandmaster Wesley So upang hawakan ang top spot matapos ang round 3 ng Grand Chess Tour rapid, 2018 kahapon sa sa Leuven, Belgium.

Solo sa unahan si 24-year-old So tangan ang 2.5 points sa event na may 10-player single round robin format.

Kinalos ng tubong-Imus, Cavite na si So sina grandmaster Fabia­no Caruana ng USA at Shakriyar Mamedyarov ng Azerbaijan sa rounds 1 at two, ayon sa pagkakasunod, habang tabla kay Maxime Vachier-­Lagrave ng France matapos ang 44 moves ng Nimzo-Indian.

Dala ang bandera ng Amerika, makakalaban ni So sa fourth round si GM Anish Giri ng The Netherlands.

Magkasalo sa se­cond spot sina Russian GM Sergey Karjakin at GM Levon Aronian ng Armenia hawak ang tigalawang puntos.

Si So ay nagpalit ng federation may apat na taon na ang nakalipas.