Una sa Balita

GM Gonzales draw sa 6th

By
0 882

NAKIPAGHATIAN ng puntos si grandmaster Jayson Gonzales kay seventh seed GM Andrea Stella ng Italy upang manatili sa top 10 matapos ang six rounds ng 41st Open International Barbera del Valles 2018 Chess Championship sa Barbera de Valles, Spain, Lunes ng gabi.

Bukod sa pagsali ni Gonzales, nakaatang din sa kanya ang pagko-coach kina Wo­man GM Janelle Mae Frayna at International Master John Marvin Miciano sa 51-day European tour.

Nasa 12-man group at ninth spot tangan ang four points si Gonzales.

Abante Hiring – IT dep

Sisikapin ni Far Eas­tern U coach at former Olympiad veteran Gonzales na pagandahin pa lalo ang kaniyang pwesto pagharap niya kay third seed GM Namig Guliyev ng Azerbaijan sa seventh round.

Hindi naman kinatigan ng swerte sina GM Eugene Torre at Miciano matapos lumuhod kina fifth seed IM Gargatagli Hipolito Asis at Ruano Adrian Jimenez na mga taga-Spain, ayon sa pagkakasunod.

Nanatili si 66-year-old Torre sa 3.5 points habang may tatlong puntos si Miciano, kapareho ni Frayna na nakipaghatian ng puntos kay Katiyar Deepak ng India.

Pakay ni Torre na bumangon mula sa pagkakadapa. Katapat niya sa susunod na laro si Indian woodpusher Shrivatri Anuj habang kalaban ni Miciano si FIDE Master Aniruddha Deshpande na taga-India rin.

Ang kampanya ni Frayna ay suportado ng Philippine Sports Commission at ni Phi­lippine STAR president at CEO Miguel Belmonte, katunggali niya Atharva Jaeel ng India.