Una sa Balita

GM Gomez pinisak si Buto sa Makati

By
0 865

Naitakas ni Grandmaster John Paul Gomez ang mahirap na panalo nang talunin ang walong taong-gulang na si Al Basher Buto sa 5th round ng ‘The Search for the next GM Wesley So’ sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place, Ayala Avenue, Makati City.

Dumaan sa butas ng karayom si former De La salle chess varsity member Gomez bago nasilo ang panlimang puntos kay Buto.

Nasa tuktok pa rin si Gomez, malaki ang tsansang masikwat ang P20,000 premyo sa event na suportado ni National Chess Federation of the Philippines chair/pres. Surigao del Sur. Rep. Prospero Pichay, Jr.

Ang ibang pinisak ni Gomez ay sina Daniel Quizon, International Master Jan Emmanuel Garcia, Michael Concio, Jr. at Jerlyn Mae San Diego.

Si Buto ay isa sa pinarangalan sa nakaraang buwang Philippine Sportswriters Association Awards Nights sa Manila Hotel.