Una sa Balita

GM So ‘di natinag

By
0 8

Ayaw bitawan ni super grandmaster Wesley So ang liderato, nakipaghatian ito ng puntos kay former World Champion GM Viswanathan Anand ng India sa round five ng London Chess Classic 2016 sa England kahapon.

Maagang nagpalitan ng piyesa sina 23-year-old So at Anand, ng 30 moves ng Queen’s Gambit ay nagkasundo na ang dala­wang maghati sa puntos.

May 3.5 points si So mula sa dalawang panalo at tatlong draws para masolo ang top spot sa single round robin event.

Nagpalit ng federation ang tubong Imus, Cavite na si So noong 2014, dala na nito ang bandila ng US sa mga tournament na kanyang sinasalihan.

Magkasalo sa second sina GMs Levon Aronian ng Armenia, Vladimir Kramnik ng Russia, Fabiano Caruana at Hikaru Nakamura ng US hawak ang tigatlong puntos.

Magkakaroon ng isang araw na pahinga bago ilarga ng sixth round.

Susunod na makakalaban ni So si Bulga­rian grandmaster Veselin T­opalov.