Una sa Balita

GM Antonio mapapalaban sa ‘Lifecore’

0 253

PAKAY ni 13-time Philippine Open champion Grandmaster Rogelio ‘Joey’ Antonio, Jr. na depensahan ang titulo sa 2019 Lifecore Enterprises Open Chess Championships na gaganapin sa Bulwagang Panlalawigan sa Calapan City, Oriental Mindoro sa Setyembre 15.

Markado sa nasabing event si Antonio pero naniniwala itong mapapalaban pa rin siya dahil naghahanda rin ang ibang kasali.

“Gagawin ko ang aking best para manalo,” sabi ng tubong Calapan City, Oriental na si Antonio.

Nakatakda rin tumulak ng piyesa si Antonio sa World Seniors Chess Championships na lalarga sa Nobyembre 11 hanggang 24 sa Bucharest, Romania.

Maagang nagpatala sina David Elorta, Randy Segarra, Emmanuel Emperado at Romeo Alcodia.

Ang one-day rapid format ay bukas sa lahat ng manlalaro, nakalaan ang top purse na P25,000. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy