Una sa Balita

GM Antonio hari sa online chess

0 331

PINAGHARIAN ni GM Rogelio ‘Joey’ Antonio ang first edition ng ‘Cesar Orbe Memorial Chess 960’ blitz series online matapos itarak ang 1.5 puntos sa huling dalawang laro.

Kilnalos ni 13-time Philippine Open champion Antonio si NM Joey Florendo sa 10th at penultimate round at nakipaghatian ng puntos kay NM Rolzon Roullo sa 11th at final round.

Nakalikom si Antonio ng 9.5 points mula eight wins at three draws para makopo ang titulo sa 197-player online tournament.

Kapareho ng puntos ni Antonio si FM Sander Severino pero matapos ipatupad ang tie-break ay tinaghal na kampeon ang chess columnist ng Abante. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More