Una sa Balita

Glydel biktima ng online scammer

0 3,277

Nabiktima ng isang online product selling­ company ang aktres na si Glydel Mercado.

Sa Facebook account ng aktres nitong April 26, pinost niya ang isang warning message tungkol sa online company na nang-scam sa kanya.

Niloko siya diumano ng naturang online company sa nabayaran na niyang projector pero apat na buwan na ang dumaan ay hindi pa rin niya ito natatanggap. Parati naman daw niya itong pina-follow pero wala pa rin daw ang projector na binayaran niya.

Heto ang post ni Glydel:

“Warning!!! Don’t order any product from this website! This is a BIG SCAM! I ordered a product from them (a projector) last Jan 2018 and haven’t received my order but I already paid for it thru my credit card, I keep updating them thru my email and even gave me a tracking number but they keep sending an automated answer, and I messaged them again last week and now they’re not answering my messages. What a waste of time and money! You can type Brainiacs Shop Review in your Google bar and you will see many complaints from customers like what happened to me. Thanks! Please Spread these so people can be warned! Thanks!”

Sinundan pa ito ng aktres ng isa pang post at humihingi siya ng tulong sa netizens na nakakaalam ng address ng online company na nang-scam sa kanya.

“This is the address of this Brainiacs company, I don’t know if this is a legit address but if there’s anyone living near this place can I just request a big favor to check this place if this is a real Brainiacs company? Many Thanks!”

Pinost din ni Glydel ang mga post niya kanyang Instagram account. Pinadalhan namin ng mensahe si Glydel para mahingan siya ng buong kuwento. Hinihintay pa namin ang kanyang sagot.

Kasalukuyang napapanood si Glydel sa afternoon teleserye ng GMA-7 na The Stepdaughters.