Una sa Balita

Gloria urong-sulong sa 2019 budget

By
0 333

NILINAW kahapon ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na hindi pa inuurong ng Kamara ang kanilang bersyon ng 2019 ­national budget, taliwas sa sinabi ni ­Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na pumayag siyang i-recall ito.

“No, we have not withdrawn our version. We’re in discussions about what is the proposed new version,” diin ni ­Arroyo sa ambush interview nang dumalo ito sa Nickel Initiative 2019 Forum ng Phi­lippine Nickel Association sa Bonifacio ­Global City sa Taguig City.

Sinabi ni Arroyo na kakausapin pa ­lamang niya si San Juan City Rep. ­Ronaldo Zamora at iba pang miyembro ng Kamara para pag-usapan ang isyu nitong Martes, Marso 19.

Matatandaan na si Zamora ang inatasan ni Arroyo na makipagnegosasyon kay Senador Lacson upang maayos ang bangayan sa 2019 national budget, na hanggang ngayon ay hindi mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Lunes, ibinalita ni Lacson na nakausap niya si Zamora at nagpasabing pumapayag ang Kamara sa recall ng 2019 budget. Pinalagan ng liderato ng Senado ang ginawang pagkalikot sa panukalang budget dahil bawal umano ito sa ilalim ng Konstitusyon kapag naratipika na ng dalawang kapulungan ang General Appropriations Bill.

Nasilip ni Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang P95 billion ­realignment sa post-bicam budget matapos i-itemize ang mga lump sum fund.

Katuwiran naman ni Arroyo, ginawa nila ang itemization dahil sa ‘unconstitutional’ ang lump sum appropriation.
“If we don’t come to an agreement and then (Senate President) Tito Sotto does not sign the bill, then there’s no bill to send to the President. So I do not know if we will but I would wish we would,” babala ni Arroyo.

Samantala, maghihintay naman ang Malacañang kung kailan isusumite sa ­Office of the President ang enrolled copy ng 2019 national budget.

“I was with the Speaker an hour ago at an event in Shangrila BGC and I asked her. She said they are precisely meeting to tackle that, and she confirms that it’s Congressman Zamora who is negotiating,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy