Una sa Balita

Gloria supalpal sa paglibre ng buwis sa imported na karne, isda

By
0 335

HINILING kahapon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pamahalaan, na suportahan ang pagsisikap ng ‘local agriculture industry’ na mapabuti ang lokal na produksiyon at bawasan ang retail price ng basic agricultural commodities.

“Farm gate price­s have remained constant­, despite risin­g prices of our cost of production the past months, why are we now being penalized with the proposal of zero tariff for meat and other agriculture pro­ducts,” ayon kay Sinag chair Rosendo So.

Base sa tala ng SINA­G ang farm gate price/kilo noong Dis­yembre 2017 sa presy­o ng palay ay P21.50 bawat kilo subalit nga­yong taong 2018 ay na­sa P25 na kada kilo; ang karne ng baboy mula sa P125.88 ay tumaas sa P134.15; manok P92.11-P95.46; bangus P90-P95; Tilapia P80-P72 habang ang mais naman ay P13 subalit ngayong taon ay P18 na kada kilo.

Ito ang reaksiyon ng nasabing multi-agri group, makaraang isulong umano ng gobyerno ang programa para sa pagtataas ng revenues­, at ngayon naman anila ay ang pagtanggal ng taripa sa inaangkat na karne at isda para makatulong sa pagbaba ng ‘inflation’.

“Reducing tariffs to zero percent will annihilate the agriculture sector with the expected dumping of cheaper agricultural imports,” giit ni So.

Nabatid na balak din umano ng pamahalaan na payagan na ang importasyon maging ng galunggong.

Ang panukala ay itinulak ni House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo nang makipag­pulong sa economic ma­nager ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kama­kailan, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa isang dialogue sa mga lider ng SINAG sa Quezon City, itinanggi naman ito ni Arroyo.