Una sa Balita

Gloria sa BSP? Ayaw ni Ma’am d’yan — PDU30

By ,
0 5

Naniniwala si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hindi tatanggapin ni Pampanga Congw. at Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang posisyon bilang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“No, I don’t think she would agree. Hindi ‘yan tatanggapin ni Ma’am. Useless to speculate. Hindi tatanggapin ni ma’am ‘yang trabaho. Paupuin mo sa opisina uli?” tugon ni Pangulong Duterte nang tanungin sa press conference sa Malacañang nitong Lunes ng gabi patungkol sa paglutang ng pangalan ni Arroyo bilang BSP governor at kung ikinukunsidera man ito sa naturang posisyon.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi lamang siya ang mag-isang nagdedesis­yon sa mga bagay-bagay kabilang na ang pagtatalaga sa mga puwesto sa gobyerno.

Espekulasyon naman ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin, “Palagay ko gusto ni GMA,” subalit hindi umano ito mangyayari dahil ‘takot si Duterte’ na hindi sariling tao ang ipapalit kay BSP Governor Amando Tetangco.

“Takot si Digong na hindi niya tao ang uupo (sa BSP) dahil sa AMLC (Anti-money laundering council),” opinion ng kongresista.